Unhappy

Siguro mas masaya kung single pa din ako and I will celebrate all these occasions alone.

Happy New Year!


Happy? Nope.

When you don’t have anyone but yourself.

I miss my old life

HINDI NA AKO MASAYA. PROMISE!

010320


Namimiss ko na si papa ko. 💔


Yung kahit walang ka’sense sense yung ikwekwento ko sakanya dami nya pa ding nasasabi tapos ramdam na ramdam ko na masaya pa din siyang kausap ako.

Namimiss ko ng may kausap. Yung masayang kausap ako.


Almost 3 years na kong walang nakakausap. 😞


3 years na kong nabubuhay ng malungkot.


Yung akala kong makakasama ko habang buhay yung makakausap ko magdamag. Yung masasabihan ko ng mga hinaing ko, ng mga problema ko, ng lahat lahat ay wala pala.

Yung ako na yung nagawa ng conversation tapos sasagot siya ng walang kagana gana. Puro oo at hindi. Tapos yun na yun. End of conversation.

Pero bakit pag iba ang kausap nya ang saya saya nya? Ang dami nyang kwento? Bakit pag ako? Hindi nya man lang makausap kahit 5 minutes? Laging naka cellphone lang pag magkasama kami. Walang pansinan at imikan. Like what I’ve said gagawa ako ng conversation pero papatayin nya yung usapan. Kasi wala siyang kagana ganang kausap ako?


Bakit?


Kaya pinipili ko na lang din na wag na siyang kausapin. Sarilinin lahat ng bigat ng nararamdaman ko. Iiyak na lang sa isang sulok lahat ng nararamdaman ko.

Parang ang purpose ko lang ay alagaan ang mga anak niya tapos gagamitin lang pag libog na siya. Yun lang.

Sana all mahal ng asawa.

Sana all prioroty ng asawa.

Hanggang sana lang.

122019

Bakit ganun?

Hindi na ako belong? Hindi na ko yung inuuna mong isama sa lahat ng lakad mo?

Ako na yung una sa choices ng maiiwan.

Lagi na lang ang tanong, sasama ka ba?

Hindi ba pwedeng, tara na! Alis na tayo.

Laging dapat may choices. Sasama ba o hindi? Pero dapat ang sagot ko ay laging hindi.

Bakit ba lagi ko na lang ipagsisiksikan ang sarili ko? Lagi ko na lang ipipilit ang sarili ko?

Nakakamiss maging full time mommy. Nakakamiss yung mga babies ko. Namimiss ko ng naalagaan ko sila and super hands on sakanila everyday. 💔💔

Sana pwedeng mawala na lang basta.

Ngayon lang ako humingi ng pabor sayo. Iilang minuto pa lang saiyo yung bata ibabalik mo na agad tapos galit ka na agad. Pero pag ML napag pupuyatan walang pagod pagod.

Sa work.

Sabihin nating may mga friends ako dun. Pero wala pa din akong nakakausap.

I feel like I’m alone. May sariling mundo.

Tapos pagkauwi sa bahay.

Ganun din.


Sinong di masasanay? Well, nakakalungkot pero sanay na ko.

110719

Ngayon mo ko maalala kasi nakakaramdam ka na naman. Tapos pag hindi ka napagbigyan sa gusto mo. Dami mong sinasabi.

Pero pag wala, wala ding pansinan. ML to the max pa nga eh. Tapos ngayon ano?

Sanay na ko. Kaya ang routine ko na everyday is gumising, pumasok, umuwi, matulog. Ganyan na lang. Sinanay mo ko eh.

Kaya wag kong sisihin kung ganito ako. Diba pag normal na araw, wala namang usap usap na nagaganap. Tapos ngayon naalala mo ko kasi gusto mong makipag ano tapos ayoko kasi antok na ko, pagod ako, masakit ulo ko plus uminom ako kaya sobrang antok na antok ako. Ngayon mo ko kakausapin ng kakausapin.

Pero pag normal days, diba di mo naman akong naalalang kausapin. O bakit naninibago ka pa din??

Ang awkward na nga sa pakiramdam ko ngayon na mag usap tayo eh. Nasanay na kasi ako. Sinanay mo kasi ako. Kaya wag kang manibago kasi araw araw tayong ganito.

image

Kaso wala…

110219

Ayos ah?

Ano bang ginagawa mo? Bakit ka puyat?? Nag inom ka.

Ako?? Ano bang ginawa ko? Bakit ako puyat? Nag alaga ng bata kasi may sakit.


Tapos pagdating sa tulugan, talagang dapat ikaw ang mauna?? Ayos! Napaka worth it ng pag pupuyat mo.